Vermiculture




BAKIT KAILANGANG GAWIN ANG VERMICULTURE?
  • Pinakamahusay na pataba sa boung mundo.
  • Organic. Walang nakalalasong sangkap kaya ito ay mas ligtas para sa kalusugan.
  • Mura.
  • Magandang pagkakitaan  sa maliit na puhunan.
  • Makakatulong para mabawasan ang nakakalasong chemical fertilizer at pestisidyo sa ating kapaligiran.
  • Makakatulong para mabawasan ang epekto ng climate change.
VERMICULTURE/VERMICOMPOSTING
  • Ang vermiculture ay ang pagpaparami ng mga bulate.
  • Ang vermicomposting ay ang pagpapabilis ng pagbubulok ng mga dayami at  iba pang materyales na nabubulok o kitchen scraps upang gawing organikong pataba gamit ang bulate.
BAKIT KAILANGANG GAWIN ANG VERMICULTURE?
Unang una, tayo ay katiwala ng Dios sa mga nilikha Niya dito sa mundo. Ginawa ng Dios ang bulate na nagbibigay ng natural at organikong pataba. Ang chemical fertilizer naman ay katha lang ng tao. Isipin natin, may mas gaganda pa ba sa gawa ng Dios? May mas malalim na katwiran ang makikita natin at ito ay ang masamang epekto ng kemikal na pataba sa ating mga lupa. Ibig sabihin ang malinaw na katotohanan, ang katalinuhan ng tao ay kamangmangan sa Dios.  
  • Mas makakatulong sa kalusugan ng mga tao at kapaligiran ang vermicompost.
  • Mababawasan ang mga toxic gas emissions sa mundo. Ang populasyon ng mundo ay 7 bilyon kung ilang bahagi o porsyento nito ay gagamit ng vermicast bilang pataba, ito ay makatutulong sa pagbaba ng toxic gases.
  • Nakasusunod tayo sa Section 20 of Republic Act 10068, o sa Organic Agriculture Act of 2010 ng pamahalaan na akda ni Kalihim ng Agrikultura Proceso J. Alcala na noon ay Kongresista ng 2nd District ng Quezon Province.
  • Pinakamahusay na pataba sa buong mundo ayon sa mga agrikulturista. Simula po noong 1750 ang lebel ng methane ay patuloy na tumaas sa 150 porsyento, ayon sa  UN Intergovernmental Panel on Climate Change.  Ito ang dahilan ng ikalimang bahagi ng greenhouse effect sa nakalipas na 200 taong gas sa atmosphere. Subalit ang methane emissions ay nagsimula na muling tumaas dahil sa pagdami ng paggamit ng mga fossil fuel sa Asya. Para itong isang bombang naghihintay lang ng pagsabog.
  • Ang mga magsasakang Pilipino ay makakatulong sa pagbaba ng polusyon, carbon dioxide emission at iba pang greenhouse gases na nakakapagpalala ng global warming sa pamamagitan ng teknolohiyan ng vermiculture at vermicomposting.


ANO ANG BULATENG GAGAMITIN?
  • Red Wriggler, red tiger, red worms, blue worms at African nightcrawlers(Eudrilus euginae) ayon sa ulat ay nagbuhat sa West Africa. Rafael Dineros Guerrero III ang naunang nagsaliksik at nagaral tungkol sa vermiculture sa Pilipinas. Siya ay dating executive director of the Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development.
  • Ang African nightcrawlers (ANC) ay isa sa mga inirerekomendang uri ng bulate na angkop sa Pilipinas.
  • Ito ay epigeic worm ibig sabihin ay sa bandang  ibabaw ng lupa naninirahan.
  • Ang African nightcrawlers ay matakaw at kumakain ng isa o dalawang beses higit sa kanilang bigat.
  • Napakabilis dumami. Ang isang may edad na bulate ay makakapangitlog ng 4 na cocoon kada lingo
VERMICAST/VERMIMEAL
  • Ang vermicast ay ang tae ng bulate. Ito ay maitim na granules na itinuturing na pinakamahusay na pataba sa buong mundo.
  • Ang vermimeal ay ang mga  prinosesong mga bulate na ginagawang pakain sa mga hayop at isda.
KABUTIHANG NAIDUDULOT NG VERMICOMPOST
  • Mapapanatili ang tubig at sustansya ng lupa
  • Mas nagiging buhaghag ang lupa at mas madali pag-uugat ng halaman.
  • Iniiwasan ang pagkakabitak-bitak ng lupa.
  • Nadadagdagan ang sustansya ng lupa (micronutrients)
  • Pinadadami ang mga kaibigang micro organismo sa lupa.
  • Nakatutulong labanan ang polusyon, carbon dioxide emission at iba pang greenhouse na nakaka contribute sa global warming.
  • Kung ikokompara sa  ordinaryong lupa ang vermicasting o tae ng bulate ay may limang beses na higit na maraming nitrogen
  • 7 beses na higit na phosphorous
  • 11 beses higit na potassium
  • 3 beses higit na magnesium
  • 1.5 beses na higit na calcium
KABUTIHANG NAIDUDULOT NG VERMICOMPOST
  • Upang makakuha ng sustansya para sa lupa, gumamit ng mga halamang leguminous  na pang compost upang mapataas ang nitrogen gaya ng kakawati, ipil-ipil, acacia, malunggay, mani and mungo. Potassium mula sa katawan, dahon at balat ng saging at papaya. Ang tae ng mga hayop ay mahusay na source ng nitrogen at phosporous.
  • VERMICULTURE BASICS
    (mga dapat isa-alang alang)
1. Bedding o paglalatagan.
2. Pagkain – mga tuyong dahon, damo, ginupit-gupit na basang papel at mga karton. Dapat ang damong gagamitin ay di pa magulang (nasa yugto ng pagdadahon)pa lamang kung ito ay pipinuhin sa pamamagitan ng manwal na pamamaraan nguni’t kung gagamit ng makina ay maaring kahit magulang na. Dapat ay may tamang dami ng bulate. Pagmarami ang bulate, mabilis din ng pagbubulok.
3. Tamang moisture. Kailangan mamasa-masa
4. Aeration o tamang sirkulasyon ng hangin – technique add small twigs
5. Temperatura mabubuhay ang mga bulate sa temperaturang 20-35 (oC).  Lalayas ang mga bulate sa lugar kapag mas mataas sa  35oC ang temperatura at kung hindi ay madali silang mamamatay. Karaniwang ang temperaturang mataas sa 20oC ay nakaka ingganyo sa pagpaparami.
Anu-ano ang maaaring isama sa paggawa ng vermicompost bedding o paglalatagan?
  • mga dumi ng hayop tulad ng kalabaw, kabayo,kambing at iba pa.
  • dayami, dahon ng kakawati,
  • mga pinagtabasan ng gulay at mga nabubulok na gulay
  • Pinaglagarian ng kahoy (sawdust) at
  • pirapirasong papel
GAANO KABISA ANG PAGGAMIT NG VERMICOMPOST?
  • Ang mga halamang talong,repolyo,cauliflower,kamatis, sibuyas, pipino, sitao at okra ay maaring gamitan ng vermicompost. Ayon sa pagsasaliksik, napatunayang pareho at nakahihigit pa ang bisa nito kumpara sa inorganikong pataba.
  • Ang mga halamang talong,repolyo,cauliflower,kamatis, sibuyas, pipino, sitao at okra ay maaring gamitan ng vermicompost. Napatunayang pareho at nakahihigit pa ang bisa nito kumpara sa inorganikong pataba.
  • REKOMENDADONG DAMI NG VERMICOMPOST SA KADA ISANG HALAMAN
  • Talong   =3 kilo
  • Sili         =3 kilo
  • Sitao      =4 kilo
  • Okra      =2kilo
  • Kung masusunod ang mga nirekomendang dami, 14(talong), 72 (sili), 12 (sitao) at 13 (okra) ang maaaning bunga sa kada halaman base sa pananaliksik.


1 comment: